Wednesday, November 16, 2011

Carrot, Egg or Coffee Bean (repost)


A young woman went to her mother and told her about her life and how things were so hard for her. She did not know how she was going to make it and wanted to give up. She was tired of fighting and struggling. It seemed as one problem was solved a new one arose. Her mother took her to the kitchen. She filled three pots with water. In the first, she placed carrots, in the second she placed eggs and the last she placed ground coffee beans. She let them sit and boil without saying a word.

In about twenty minutes she turned off the burners. She fished the carrots out and placed them in a bowl. She pulled the eggs out and placed them in a bowl. Then she ladled the coffee out and placed it in a bowl.
 
Turning to her daughter, she asked, "Tell me what do you see?"

"Carrots, eggs, and coffee," she replied.
 
She brought her closer and asked her to feel the carrots. She did and noted that they were soft. She then asked her to take an egg and break it. After pulling off the shell, she observed the hard-boiled egg. Finally, she asked her to sip the coffee.

The daughter smiled as she tasted its rich aroma. The daughter then asked, "What does it mean, mother?"

Her mother explained that each of these objects had faced the same adversity-boiling water-but each reacted differently. The carrot went in strong, hard and unrelenting. However after being subjected to the boiling water, it softened and became weak. The egg had been fragile. Its thin outer shell had protected its liquid interior. But, after sitting through the boiling water, its inside became hardened. The ground coffee beans were unique, however. After they were in the boiling water, they had changed the water.

"Which are you?" she asked her daughter.
 
"When adversity knocks on your door, how do you respond? Are you a carrot, an egg, or a coffee bean?"

Think of this: Which am I? Am I the carrot that seems strong, but with pain and adversity, do I wilt and become soft and lose my strength? Am I the egg that starts with a malleable heart, but changes with the heat? Did I have a fluid spirit, but after a death, a breakup, a financial hardship or some other trial, have I become hardened and stiff? Does my shell look the same, but on the inside am I bitter and tough with a stiff spirit and a hardened heart? Or am I like the coffee bean? The bean actually changes the hot water, the very circumstance that brings the pain. When the water gets hot, it releases the fragrance and flavor. If you are like the bean, when things are at their worst, you get better and change the situation around you. When the hour is the darkest and trials are their greatest do you elevate to another level? How do you handle Adversity?

Are You a Carrot, an Egg, or a Coffee Bean?

Astig nung coffee bean :)

Friday, November 11, 2011

Tao ang Nabubulok

Mamahalin mo ang adhikain at ang taong nasa likod nito. Pati ang mga nagpatuloy no'n.

Pero ang masama, ang karamihan sa mga nagpatuloy ay bulok. Nabubulok.

Hindi na tuloy masyadong kita ang adhikain. Ang magandang adhikain.

Walang pakialam ang mga nagpatuloy ng magandang simulang 'yon. Noong 1948.





May natira pa namang mga taong non-biodegradable. Mamahalin mo rin sila katulad ng mga adhikaing isinasabuhay pa rin nila.

Pero dominating ang mga bulok.

Umaalingasaw ang baho nila at hindi na nga tuloy masyadong kita ang adhikain. Ang magandang adhikain.


Tao nga naman, nabubulok. Pero hindi ang kanilang magandang ideya na para sa ikakakalat ng kabutihan.


Tanim tayo ng kalabasa't munggo? Tara!

Tuesday, November 8, 2011

Fill her (Eraserheads song)

You don't need to live
It seems a bit naive
No need to disagree
Or seek my history
Your staring at my whole soul
My sanity you stole
But then I knew all along that anything could go wrong

Though I can't see you, I can feel you
I'm so glad you opened my door
And when I get near, all my fears disappear and I won't be alone anymore

Fill her

Tuesday, November 1, 2011

90's

Bata pa 'ko noon. Puro laro ang inaatupag (Langit-lupa, tumbang preso, syato, taguan atbp.) maghapon.
Natutulog 'pag tanghali.
Ang mundo, puno ng kulay.
Ang buhay, hindi gano'n ka-komplikado. Gusto ko lang gumuhit at itakda ang kinabukasan.
Noon. Noong 90's.

Ngayong madaling-araw (0310H), na-miss ko bigla ang pagkabata ko. Noong hindi pa 'ko mulat sa kamunduhan at sa pakikipaghabulan ay hindi ako maawat. May mga kaibigan pala ako noon. Hindi ko na sila nakakausap ngayon at nakikipag-ugnayan na lang ako sa kanila sa pamamagitan ng mga makahulugang titig. Bakit gano'n? Kung kailan kailangan ko nang matulog ay mapapaisip pa 'ko ng mga ganitong bagay. Impluwensya 'to ng mga nabasa ko e at mga nasagap na balita. Ibabalik na daw ang Magandang Gabi, Bayan (MGB) (show sa Ch.2 noon) na imahe ng Undas noong bata pa 'ko. Tapos, naalala ko ang nabasa kong isang blog entry ni Caroline Castro tungkol sa 90's. Naalala ko rin ang kwentong nabasa ko tungkol sa lalaking naaalala ang mga laruan niya noon na hindi na niya nalaman kung saan napadpad mula nang lumipat sila ng bahay. Tsktsk. Emo tuloy sa madaling-araw ang labas ko nito. Tapos, gusto kong umiyak, seryoso.
May kung ano kasi sa loob ko na nagsasabing: "Nasayang ang pagkabata mo."
Pero naisip ko bigla ang sabi ni John Lennon.
"Time you enjoy wasting was not wasted."
Sabi pa rin ng kung ano sa loob ko: "Kahit ano'ng sabihin mo, hindi mo pa rin nagawang quality time ang mga panahong iyo. Iyong-iyo. Iyo't iyo. Hanggang ngayon naman."
Ang sagot ko naman: Who cares?
Sabi niya: "NBA Cares."
Hindi ako papatalo syempre: The best ka talaga!

Nakakalungkot.
Totoo kayang nag-ubos lang ako ng panahon noon?
Kaya ba parang gusto kong maging bata ulit?
Kaya ba parang hina-hunting ako ng mga drawing ko noon at para bang gusto nitong ipagpatuloy ko ang pagguhit na ilang taon ko ring kinalimutan?
Kaya ba ang bilis ng panahon para sa akin pero naiiwan ako sa nakaraan?
'Pag wala akong nakausap na matino ngayon, lagot ako. Krisis na 'to.

90's! Heto ang isang batang 90's na naliligaw ng landas.
10-29-11   0350H

Tuesday, October 18, 2011

Fiction Factory

Kahapon ng hapon, kakaiba ang pakiramdam ko. Parang nagpapaubaya na ang katawan ko. Parang mamamatay na 'ko. What the...

Antok na antok ako. Ayaw dumilat ng mata kahit ano'ng gawin ko. Hindi naman siguro 'to dahil sa pagpupuyat ko these last few days sa mga "walang kakwenta-kwentang bagay" daw.

Nagpapaubaya na nga ang katawan ko at napapangiti ako nang walang dahilan. Sa totoo lang, ang ganda ng pakiramdam ko nun. Feels like heaven, ika nga ng Fiction Factory. Hindi ko nga alam kung saan ko nakuha ang ideyang mamamatay na 'ko. Kung nasa katinuan siguro ako kahapon, baka takot na takot na 'ko. Hindi ko gustong maglaho.




"Oo, ayaw kong maglaho."

"Sino ba'ng may gusto?"

"Hindi ko alam pero alam kong may mga sawa na."





At ang nakakatawa pa, habang naglalakad ako sa kalye papunta sa eskwela para sunduin ang bata kong kapatid, ang lakas ng tugtugan sa may tindahan. Dust in the wind. Napangiti ako bigla. Malapit nang magdilim nun at pakiramdam ko'y bigla na lang akong hihigupin ng lupa at walang makakapansin sa 'kin. May makakita man, wala dapat silang pakialam. Natawa ako lalo sa ideyang 'yon.


Dust in the wind? Kung napanood mo na ang Final Destination 5, maiintindihan mo 'ko kung bakit ako natawa.

Tuesday, October 4, 2011

Monday, October 3, 2011

Constellations


Kahit tanghali, maghahanap pa rin ako ng mga constellations!





Haaay, love is in the air.

Friday, September 30, 2011

I'm awake (September ends)

Matatapos na ang misteryo ng Setyembre. Unti-unting ninanakaw sa 'kin. Ang magagawa ko na lang ay pabagalin ang pag-alis niya sa pamamagitan ng pagnamnam dito. Isang taon na naman akong maghihintay. 



 


Sabi ng Greenday: "Wake me up when September ends..."
E, gising ako buong September e!



Ako naman ang matutulog.



zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Sunday, September 25, 2011

Don't let your dreams...be dreams


Pakiusap binibini, 'wag mong hahayaang ang mga pangarap mo na maging pangarap na lamang.
Sayang naman ang lahat. Lahat-lahat.
Pakinggan mo si Jack Johnson. Sabi niya, "Don't let your dreams be dreams..."
'Wag mong sayangin ang lahat sa ugok na 'yan.
Hindi siya karapat-dapat para sa iyo.

Bulag ka lang ngayon.
Marami namang opthalmologist sa tabi-tabi.




Don't let your dreams...be dreams.

Monday, September 19, 2011

Those Vintas I Used to Draw in Every Piece of Paper That I Own (at least)

The vinta (locally known as lepa-lepa or sakayan) is a traditional boat found in the Philippine island of Mindanao. These boats are made by Bajau and Moros lining in the Sulu Archipelago. It has a sail with assorted vertical colors that represent the colorful culture of the Muslim community. These boats are used for inter-island transport of people and goods. Zamboanga City is known for these vessels.













A few days ago, I managed to take a look at my old things living (inside a box) with the spiders. The dusts and spiderwebs made me pay (I sneezed for five decades). But rediscovering what I used to do before is really worth sneezing for. Yea, I'm discounting the fact that I almost died sneezing.

Before, I used to draw my fantasies in every piece of paper that I own (at least). And I'm coming back to that first love just now! What I found inside the box inspired me. I'm so happy that one of my first loves never really died for it's still inside me, waiting to be awakened.

I found my old drawing of a colorful vinta. Beautiful memories rushed outside my bosom suddenly. How I love vintas! In every piece of paper I own, you're gonna see them. In my dreams, you can find traces of their colors. Then, I just find myself saying, "Elementary days, where are you?" Younger years, when things are less complicated. When love is so pure, when everything colorful is beautiful and when I can just draw vintas the whole day in every piece of paper that I own.





August, 2011

Sunday, September 18, 2011

Sa May Bandang Luneta at Quirino Grandstand

Kahapon ng hapon, nasa may bandang Luneta at Quirino Grandstand ako. Ang lakas ng ihip ng hangin kahit mainit. Ang daming nagsasaranggola. Ang dami ring tao. Madami ring nakaputi. Madami din magagandang binibini. Ang sarap ng hangin, masarap sa pakiramdam. Umupo na lang tuloy ako kasama ng mga taong may blangkong mukha.




Kagabi ng gabi, natapos rin ang pinapanood kong kahibangan. Naglakad ako papuntang LRT UN Station. Nasa may bandang Luneta at Quirino Grandstand pa rin ako. Mas lalong sumarap ang hangin. Yummy! Madilim na kasi gabi na. Ang ganda ng pakiramdam ko. Ebs! Heaven! Ang daming inlab.



Umiilaw ang tubig. Ayan o!

May nagbabantay rin ng seguridad ng mga tao. Rumoronda lagi. I feel secured.


At lalong dumami ang tao. Hindi ako magtataka kung may himala nang nagaganap sa kasuluk-sulukan ng kadiliman sa ilalim ng puno ng saging.





Padilim na nang padilim nang padilim... ang dilim.

Monday, September 5, 2011

Manifesto ng Tunay na Lalaki

Manifesto ng Tunay na Lalake (ayon sa Hay! Men! Ang blog ng mga tunay na lalake!)


  1. Ang tunay na lalake ay di natutulog.
  2. Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.
  3. Ang tunay na lalake ay laging may extra rice.
  4. Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian.
  5. Ang tunay na lalake ay walang abs.
  6. Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw.
  7. Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
  8. Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.
  9. Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.
  10. Ang tunay na lalake ay di nagsisimba.

7/10 lang ako. Damn! XD

Wednesday, August 31, 2011

Setyembre

Para sa 'kin, napakamisteryoso ng buwang Setyembre. Mas misteryoso pa sa buwan ng Mayo (para sa 'kin ha?). May mahika. May taglay na gayuma.

Siguro dahil mas maraming pangyayaring naaalala ko sa mga nakaraang Setyembre ng halos dalawang dekada ng buhay ko. Yeah!




Teka, sayaw muna tayo. September. Earth, Wind and Fire. Ba't walang water? Water, Earth, Wind and Fire. Hmmm... Hayaan ko na lang sila. Gusto nila 'yan e.





Tandang-tanda ko pa noon ang (pinipilit kong makalimutan) mga nangyari. Lumakad ako palayo sa mga tsansang 'yon at hanggang ngayon, pinagsisisihan ko ang galaw na 'yon.






Pero kahit lumakad nga ako palayo noon ay hanggang ngayon, hinahabol pa rin ako ng mga Setyembre na nasaksihan ko na.

Saturday, August 27, 2011

Lumang Simbahan


Kay gandang tugtugin. Ang sarap tuloy magsimba! Salamat Sampaguita sa kantang Lumang Simbahan!

Sunday, August 14, 2011

Linggo ng Wika











*Mag-uumpisa na ngayong linggo. Hindi ako magsasalita ng Ingles simula ngayon hanggang sa matapos ang buwang ito (pero magsisingit ako ng ilang mga English words sa blog na ito XD). Kahit na kausapin pa 'ko ng isang foreigner sa kung anong dahilan. Biro lang. Hindi naman ako gano'n ka-OA.



Ayun, makikinig ako ng kundiman at mga tunog ng piyesta. Babalik ako sa nakaraan ng Pilipinas na alam kong nabisita ko na noon, noong nakaraang buhay ko. Isa akong magsasakang nakikipaglaro sa araw sa tanghaling tapat at 'di nagsisinungaling. Wala akong kalabaw at lupa. Puro pagpapaitim lang ang inaatupag ko noon. Bigla-bigla ay sumundot ang tadhana. Naging pintor ako, pintor na primer lang ang pangkulay.


"Vandalism 'yan," sabi ng isang nakapansin sa nakaguhit sa pader.


"Hindi. Graffiti 'yan. Titingin ka lang e." sabi ng isa pa.


"Basura!" sabi ng napadaang basurero (hindi ang nakaguhti sa pader ang tinutukoy niya).


"'Wag nga kayong maingay! Magsisimula nang awitin ang ating Pambansang Awit. Ang Bayang Magiliw." sabi ng prinsipal ng paaralan kung saan naroroon ang pader na may nakaguhit.


"Tanga! Lupang Hinirang." sabi ko. Ako na nagkukwento sa 'yo ngayon.


At ilang sandali pa ay tumugtog ang awit na dapat ay alam ng lahat ng Pilipino.



Walang umimik. Nakakapanindig balahibo...









P.S. Tumula tayo ngayong Linggo ng Wika! Tangkilikin natin ang ating sariling wika! Kahit ngayong linggo lang.

Saturday, August 6, 2011

Missing Chemistry

Chemistry by Semisonic




Wala lang, namimiss ko lang ang mga klase noong high school sa Chemistry...

Sunday, July 24, 2011

Cool!

Sabi ng kung sino, "Cool!"




Sabi ko, "Oo nga, cool!"




Nagiging cool na ang lahat ng mga nasa paligid ko. Panahon na lang ang 'di tumitiklop. Yea, panahon na lang na mahilig maglaro. Ngayon, maulan. Mamaya, impyerno bigla. Ngayon, ang bagal ng panahon. Noon, kay bilis nito. O! Panahon...


Cool na nga ang maraming bagay sa paligid ko pati mga nilalang na gumagalaw. Ako na lang yata ang 'di gumagalaw. Kung gumagalaw man, parang gumagapang lang. Kung hindi gumagapang, malamang nagwo-worm. XD







Pa'no ba maging cool?

* Kailangan ba sporty?
* Kailangan ba malamig? 
    Cool e, cool = malamig.XD. Komedyante na ba?
* Kailangan ba maporma?
* Kailangan ba magaling ang mga ideya?

* Kailangan ba 'tong mga kailangan para maging cool?







COOL!

Saturday, July 9, 2011

Pero 'di ko na matiis...

Nakakainis.


Wala lang.


Mag-iiwan na lang ako ng isang haiku.


The air whistles
So I knew she was coming
Finally, I'm free...


Hindi nga lang ako naging matapat sa tunay nitong sukat.5-7-5 dapat.

Tuesday, April 26, 2011

Gusto ko pala ng magandang Legacy

Napag-isip-isip ko. Kumikilos ako ngayon para sa mga bagay na gusto ko ay maalala ako. Nakakaiyak, nakakatawa pala.



Parang sikat na musician na namatay.

O kaya ay sikat na writer.

O kaya ay legend sa sports.

Isang pilosopo na namimilosopo.

O isang normal na tao na tulad ko lang.


Gusto pa kung anu-ano e, 'no? Pwede rin naman palang normal na tao lang.





Parang ewan lang e, 'no? Pero seryoso ako. Kaya nag-iipon na ako ng mga alaalang maitatanim sa utak ng mga nakakasalamuha ko na maaalala nila sa araw na hindi na nila ako makakadaupang-palad kailanman.



Natatawa ako, naiiyak pala.



Ayos lang na malimutan niyo ako, kaysa naman pangit ang alaalang maiiwan ko sa inyo.






P.S. Hindi pa 'ko mamamatay. Wala akong malubhang sakit. Malubhang kabaliwan lang. Hahahahaha.

Monday, April 25, 2011

All About Your "Faith"

Naniniwala tayong lahat sa kung ano. Siguro naman, magsu-suicide ako 'pag hindi. Biro lang. Baka may hindi naniniwala na nabubuhay sila sa mundo at nag-iisip.



Nitong mga nakaraang araw, bumitaw ako sa isang malaking bagay na pinaniniwalaan ko. Tapos, Holy Week pa talaga nangyari. Wew!

Hindi ko rin naman sigurado kung tama ba ang pagbitaw kong ito. Wala rin namang nakasisiguro, maliban sa nagpakalat ng kalituhang ito. Ewan, hindi ko rin alam, ayaw ko rin sana itong paniwalaan.




At least, hindi na 'ko masyadong nakakulong...kahit ako lang ang nakakaalam nito.



Malaya ako. Malayang-malaya (sa paraang alam ko).





Tawa ka nang tawa. Pero hindi ako nayayamot, dahil ang ganda ng ngiti mo. Pinakamaganda sa mga nakita ko na sa buong buhay ko. Hahaha, wala lang. Bigla lang kita naisip kahit hindi naman kita kausap ngayon. Masisisi mo ba ako?




Basta, malayang-malaya na ako sa pagkakakulong ko sa sarili ko. Mas handa na 'ko sa mga humps sa daan na 'di ko pansin noon at alam ko na kung sino ang dapat kung lapitan sa mga oras ng kagipitan.


Lahat ng ito, tungkol sa paniniwala. Hindi ka naniniwala? Bahala ka, maniwala ka na kasi.


Kinilabutan ako sa isang kwento ng pinsan ko na hindi ko alam kung totoo, pero gusto kong paniwalaan. Nang gilitan daw nila ang leeg ng isang baboy na kakatayin nila at iniwan ito sa pag-aakalang patay na ito, bigla itong tumayo at kumain ng damo. Ba't gagawin ito ng baboy na 'yon na nasa bingit ng kamatayan? Hindi ko alam, sana nalaman ko.






Ano?
Maniniwala ka na ba?
O bibitaw na rin sa tila isang panglilinlang?

Sunday, April 17, 2011

Scarecrow

Kung saan-saan na 'ko napapadpad, ang haba na ng aking nalakad...







Sa mainit na lugar na akala ko malamig, electric fan lang ang aking mahihiling.

I'm in hell 'dre, ikamusta mo na lang ako sa mga kakilala natin d'yan sa mundo natin noon.




Ang sakit ng katawan ko, pa'no ko maipagtatanggol ang mundo (ko)?

Ba't kailangang mag-vibrate ng ulo ko nang literal?

Ba't masyadong malakas ang ngiyaw ng pusang gala na nakaengkwentro ko?

At ba't ko kailangang ipagtanong ang mga tanong na ito?




Hindi ko kasi alam ang sagot. Hindi ako katulad ng iba na nagtatanong pa kahit alam na ang sagot. Hanggang sa maisip ko na ako lang ang may karapatang makaalam ng mga sagot sa mga tanong na ito dahil hindi 'to dapat itinatanong sa iba. Pero alam kong kailangan ko ng tulong para masagot ang mga ito sa pamamagitan ng lahat ng paraan maliban sa pagtatanong.



Ano na ang gagawin ko? (Ay! Hindi nga pala ako magtatanong 'no?) Patawa lang.



Pero kailangan ko nga ng tulong kasi I'm in hell 'dre...


Naging isa akong scarecrow sa palayan sa kung saan. Kaya pala mainit.

Tuesday, April 12, 2011

Labatpersayt

At bigla, naalaala kong umiiral ang "love at first sight". Totoo 'to, dahil maski ako'y 'di nakaligtas sa kamandag nito. Parang nasa Matrix ako noon, nang maramdaman kong nakakapit ito sa akin na parang linta.

Kagabi, napanood kong muli ang The Matrix. Sobra kong nagustuhan at bigla-bigla ay naging isa ito sa mga paborito kong pelikula. Gusto kong tumalon at magpalipat-lipat sa mga bubong tulad mga ginagawa ng mga tao dito (sa pelikulang 'to) at ginagawa ko minsan sa mga panaginip kong tila walang kabuluhan ngunit puno ng kahulugan.


Totoo nga ang "love at first sight". Isang napakahiwagang tagpo nito at laking tuwa ko na naranasan ko 'to.




Anim na taon na ang nakakaraan nang mangyari ito. Isang babaeng naka-PE uniform ang nagwa-warm-up kasama ang kanyang mga kaklase. Jogging, pabilog ang takbo nila at alam ko sa mismong pagkakataon na 'yon, magpapaikut-ikot rin siya sa puso ko. Yun o! XD


At ngayon, biglaan lang rin, napagtanto ko na nasaktan ko siya nang 'di ko nalalaman (sa pagkakataong ginawa ko ang mga 'yon). Ang bobo ko naman, napaka-insensitive ko noon, tsk. Napakatanga ko dahil ngayon ko lang 'to napagtanto. Oo, ngayon lang talaga.


Pero hangad ko ang kaligayahan niya kahit alam kong kinamumuhian niya ako.

Sunday, April 10, 2011

Hindi Iyan ang Bunga

Ewan by Imago-Pakinggan n'yo muna 'to para sa tono ng kanta.


May bata daw na nanunungkit ng bunga sa isang puno habang kumakanta, "Mahal kita, mahal kita, hindi ito bola..."

Biglang kumanta rin ang kapre sa puno ng, "Itlog ko 'yan, itlog ko 'yan, hindi 'yan ang bunga..."

Nabasa ko lang 'to sa text. Hahaha.

Maiba tayo ng usapan.


Tama si Holden Caulfield na alaga ni Salinger sa isa niyang sinabi tungkol sa mga babae.

"...That's the thing about girls. Every time they do something pretty, you fall half in love with them and then, you never know where the hell you are until it's too late."

Madali nga lang mahulog sa isang babae (para sa akin) kahit ba hindi ito masyadong malalim (ang pagkahulog). Tulad rin ng nangyayari sa akin ngayon at noon pa. Para bang ang daling mahalin ng mga babaeng nakakasalamuha at natitipuhan ko, kahit ba hindi ko sila lubusang kilala o kung minsan nga'y hindi ko sila kilala talaga kahit sa pangalan man lang.

Tulad ng nangyari isang beses. May nakatabi akong isang napakagandang babaeng high school student sa bus. Sa sobrang paghanga ko sa kanya, napagawa tuloy ako ng tula para sa kanya sa mismong pagkakataon na 'yon. Ang problema nga lang, hindi ko nabigay sa kanya sa pagbaba niya. Pero half in love na 'ko sa babaeng 'yon (parang full pa nga e). Actually, pangalawang kita ko na sa kanya 'yon. Noong una ko siyang nakasabay sa bus, hindi ko siya nakatabi dahil may lalaking nakapagitan sa amin (hindi naman niya kasama). Tapos 'yong lalaking 'yon ay parang sinisiksik 'yong babae sa puntong akala ko ay nahihirapan na itong umupo. Halos komprontahin ko na ang walang respetong lalaking 'yon dahil akala ko'y malalaglag na 'yong babae. Nang bumaba na siya ('yong babae), nakita kong hindi naman pala bitin para sa kanya 'yong space (slim, wow!). Buti hindi ako nangompronta. Hahaha.

Ayun, tama si Holden na alaga ni Salinger. Akala ko, ako lang ang may ganitong kabaliwan.


Gusto ko na rin tuloy maging catcher in the rye.

Catch her in the rye...

Wednesday, April 6, 2011

Isang hatinggabi, hindi ko maipikit ang aking mga mata.

Alumni Homecoming, paulit-ulit, hanggang sa maalaala't maaninag ko ang hinahaharap. At kung nasa hinaharap na ako sa isang iglap, alam kong magbabalik-tanaw rin ako sa mga panahong tulad nito.


"Mahal pa rin kita, kahit ang sakit-sakit na," sabi ni John Lloyd kung 'di ako nagkakamali. Ginaya ko rin ang sinabi niya, pero ang pinagkaiba, sarili ko lang ang pinagsasabihan ko.

"Mahal pa rin kita, kahit ang sakit-sakit na," tatlong ulit ko sinabi, sa sarili ko pa rin dahil 'di niya dapat marinig. Ayos na e, sisirain ko pa. Ngumingiti na sa akin e, mawawala pa. Kaysa wala.


Ngunit sa tuwing mabubungkal ang ibinabaon kong alaala, hindi ko maiwasang mag-play sa isip ko ang OST ng kwento ko (hindi naman Alumni Homecoming), magpakasenti at mag-isip na isa akong dakilang hangal o baliw.

Ayos a, emo na 4x5 gupit.

Pero wala nang mas hahalaga pa kaysa sa kaligayahan niya, kahit kaligayahan ko pa (martir ang loko).Ganito ang pag-ibig na ipinatanaw sa akin. Pakiramdam ko kasi, hindi ko kayang gampanan o hindi ako karapat-dapat na maging bidang lalaki sa isang romantic film, sa ngayon. Ako lagi 'yong magpaparaya. Aba, napakahalagang role no'n. Sa tingin ko nga ay sila dapat ang makakuha ng mga best actor awards dahil mahirap ang magparaya.


Mahirap magparaya, lalo na kung gusto mong mandaya. Naiintindihan n'yo naman siguro ang nais kong sabihin.



At patuloy ang pagtunog ng Playlist 77...

Tuesday, March 29, 2011

Blangko

Puno ng nakakatamad na pakiramdam pero tila malalim. Ang lalim ng pinagmumulan.



Limang araw rin akong nagpahinga (bakasyon ko na). Nakakatamad sa bahay, ang gusto ko lang ay 'yong hindi ako nagpapagising sa alarm clock at ang katotohanang kasama ko ang pamilya ko (ma-drama ba?). Tapos, ang oras pa ay hindi mo malaman kung ano'ng gustong gawin. Babagal ba o bibilis. Parang sala sa init, sala sa lamig ang loko.

Ikinakaaliw ko rin pala ang ibang mga palabas sa telebisyon. Showtime (lalo na ngayong linggo), Landmarks sa Net25, NBA, My Princess ni Kim Tae Hee at lahat ng balita. Kahit papaano. Tapos, malapit na matapos ang nobela ko. 'Yon o!



May mamamatay daw, tatlo. Naisip ko kung ano kaya ang pakiramdam ng gano'n, mamamatay ka bukas, kahapon ng makalawa. Depressing, pero walang magagawa. Walang may kasalanan pero mayro'n, wala lang makapagturo o kung makapagtuturo man, mali ang dinuduro. Tatlong daliri naman ang bumabalik, ika nga ng Geometry teacher ko noong high school nang may kaklase akong nagtuturo kung sinong may pakana ng kung anong iyon na 'di ko na maalala.

Tatlong daliri ang bumabalik, kaya 'wag kang manunuro basta-basta.




Wala, wala na akong masabi. Blangko ang mga ideyang naiisip ko ngayon at hindi ito magpapakita hanggang may ginagawa akong iba bukod sa pagtingin sa kanya.

Blangko pa rin talaga.

Wednesday, March 23, 2011

Palapit nang Palapit

Ang mga pangyayari sa aking buhay ngayon ay bumibilis nang bumibilis, as in. Preno. Gusto ko munang magpreno bago ako maglakbay sa kung saan ako nakatakdang magtungo. Gusto kong magpaalam nang dahan-dahan sa lupa dahil alam kong ang tubig ay mas madaling lapitan at iwan.

I'm feeling depressed man! Emo. Hahaha.

Lalo na ngayong nakikinig ako kay Judee Sill (Crayon Angels at There's A Rugged Road). Naiiyak ako na para bang gusto kong ayusin ang mundo. Putsa, para bang kinakalkal ang kaluluwa ko at may nag-uutos sa 'king ang mundo ko'y iwan ko. Tapos, gusto kong maglakbay sa isang ilang na bulubundukin at magpakalat ng magandang balita sa daigdig na makikinig. Sasabihin ko, "Ipinanganak tayong malaya," kahit 'di ko alam ang ibig sabihin no'n sa pagkakataong 'yon.

Gusto ko nang magpakabuti. Sana, ang lahat rin pero pinigil ko na rin ang paghiling dahil kung walang kasamaan, hindi madi-distinguish ang mga nakapagdesisyon na ring tulad ko. Mahalaga ring may pagkakakilanlan kami (ito ang epekto ng kamunduhan na 'di ko na maiwawaksi, haha).

Pero ayos na rin sigurong wala nang prenohan. Baka maiwan naman ako 'pag nag-inarte pa 'ko.

Monday, March 21, 2011

Pagkawasak at Pagkabuo

Pakiramdam ko, parang responsibilidad ko ang lahat dahil nakikita ko ang mga problema na 'di napapansin ng iba.

Ako siguro ang kailangang kumilos pero ang problema, 'di ako makagalaw.

Saan at kailan ako magsisimula?

Ano ba ang sisimulan ko (ang dami kasing pagpipilian e)?

Ang sabi, lumindol daw kagabi pero mahina lang (hindi ko nga naramdaman e). Naisip ko kung ano na ang susunod dito. Para bang wala akong makausap tungkol dito. Helpless na gustong tumulong, tsktsk.

Gutung-gusto ko na pinag-iiintindi ang mga ganitong bagay. Laging kasing laman ng isip ko 'to sa tuwing nagmumuni-muni ako (habang sumasagi din ang pag-iral ng kung anu-anong mga bagay-bagay sa mundo). Kasamaan, kabutihan, kaguluhan, kaayusan, kalibugan, kabanalan at marami pang iba.

Gustung-gusto ko na rin maging kampon ng kabutihan. Ang dami kasing mga pangyayaring 'di dapat ipagwalang-bahala tulad ng pagkawasak at pagkabuo ng kung anu-ano. Kadalasan, 'yong mga nabubuo, ayaw nating umiral sa mundo pero hinayaan nating mabuo habang ang mga nawawasak naman na ating kanlungan at bagay na ginusto nating mabuo sa mundo ay hinayaan nating magkaroon ng posibilidad na mawasak.

Pagkawasak at pagkabuo. Gusto kong mawasak at mabuo.

Gusto kong wumasak at bumuo.

Saturday, March 19, 2011

Stop This Train

Stop This Train- John Mayer

Nang narinig ko sa unang pagkakataon ang kantang ito, nailarawan ko sa isip ko na napapakinggan ko ito (ang kantang ito) habang nasa LRT o MRT. Pagkatapos, umuulan pa. Nakatingin ako sa labas ng bintana, medyo matagal ang biyahe, mula Baclaran patungong Monumento (hindi naman talaga matagal). At umuulan nga, tapos naisipan kong magbasa ng mga makabagbag damdaming mga tula. Malungkot ako, emo. Tapos, sinasabayan ko na si John Mayer.

Stop this train, I want to get off and go home again.

Pero minsan, ayaw ko naman umuwi agad. Baka mautusan lang ako sa bahay. Pero kadalasan, umuuwi rin ako, dahil saan pa ba ako pupunta? Pwede ba 'kong makitira sa iba o maglagalag? Pwede, pero alam kong hindi rin ako magtatagal sa ganoong kalagayan.

I can't take the speed, it's moving in.

Kanina, nasa LRT Line 1 ako at nagpe-play sa utak ko ang kantang 'to. Nag-emo tuloy ako bigla.

Ang bigat sa pakiramdam ng mga pakiradam ng mga nagdaang huling araw. Talo ko pa ang nag-igib buong araw. Sa kanila, katawan lang ang hinapo ng pagbubuhat ngunit sa pagbubuhat ko ng mabigat na ito, isip ko ang pinawisan.

I know I can't.

Sa panaginip ko, nakasakay ako sa tren. Pekeng panaginip. Ako lang mag-isa, ewan ko kung sino ang nag-drive. Basta ako lang mag-isa. Nag-iisip ng kung anu-ano, may kabuluhan at wala. Tungkol sa mundo at pagbuhay sa buhay. Hanggang sa mapuno ang tren ng mga sentimyento kong hilaw. Hilaw pa ngunit gustung-gusto kong ilabas. Ang labo.

Nasa tren nga ako, papunta sa libo-libong destinasyon na hindi ko mapupuntahan lahat kahit gugulin ko pa ang buong buhay ko sa paglalakbay.Isa lang o kaya dalawa o tatlo, hanggang tatlo lang.

Pero sa ngayon, makikinig muna ako ng mga nanggagayumang musika.

But honestly, won't someone stop this train?

Friday, March 18, 2011

Kaninang Umaga at Iba pang mga Umaga

Kani-kanina lang, may nakita ako habang nakasakay sa tricycle patungo sa kung saan. Isang napakabata pang babae (teenager), mas matanda pa ako (taga-sa amin). May itinutulak siya, stroller. Oo, may anak na kaagad siya sa ganoong edad.

Naisip ko tuloy kung patas ba ang mundo. Hindi kaya lugi ang mga babae? Nasa kanila ang aking simpatya dahil tila ba walang mawawala sa mga lalaki, kadalasan, minsan.

Tapos, naisip ko rin kung kaya niya ('yong babae) o kung kuntento na siyang ganoon ang kanyang mundong gagalawan sa napakatagal na panahon. Maganda pa naman siya at maraming oportunidad na nag-aabang sa kanya. Sigurado ako dahil ganito sa mundo. Ang tinutukoy ng ibang "kayliit" ngunit kailangan pa nilang sumakay ng sasakyan para makapunta sa isang malayong lugar (namimilosopo lang po, alam ko naman ang ibig sabihin ng "kayliit ng mundo").

At nasa isip ko pa rin ang kalagayan ng mga babaeng nalulugi (kasama na 'yong babaeng nakita ko kanina).

Kakayanin niya kaya? Ako nga ngayon pa lang nahihirapan na e, siya pa kaya. O baka nasa pagdadala lang 'yan. O baka wala talaga akong naintindihan sa mga nangyayari.

Sana'y may nagagawa ako sa mga kamunduhang ito.

O, mundo! Bakit minsa'y kay lupit mo?

Ang Haba ng Pila

Nakakainip.

Nakakahilo.

Naaasar sa mga sumisingit na mukhang singit.


Kahapon, ang haba ng pila na maihahalintulad sa sari-saring bulok na sistema.

Umaalingasaw, tila hindi na maayos at walang patutunguhan.

Kalunos-lunos.

Buti pa kayo nakapagmeryenda na, kami hindi pa. Ayos, 'di ba?


Ngayon, walong oras ako tumayo.

Ang kalungkot-lungkot, kailangan pang bumalik isang araw matapos ang makalawa.

Pabalik-balik.

Paulit-ulit, nakakabobo.

Paulit-ulit, nakakabobo.

Paulit-ulit, nakakabobo.

Paulit-ulit, nakakabobo.

Tuesday, March 15, 2011

Sa Wakas...

Unti-unti na akong napapalapit sa kapalaran.

Unti-unti na ring nabubuo ang buhay kahit ba may mga ikinatatakot pa rin ako.

Akala ko talaga noon, exempted ako sa pagdurusa na para bang isa lamang itong exam na sinasagutan at didiktahan ka ng kung sino na hindi ka magdudusa. Madali lang ang buhay noon.

"Madali lang kasi."

Ang kailangan lang, gumising at gumalaw. Ngayon, kailangan nang pag-isipan ang lahat dahil kung magkakamali ka, ang mga pinaghirapan ay magiging parang kastilyong buhangin na gumuho. Ulitan.

Ang tanong sa akin ng demonyo sa utak ko, "Masaya ba sa mundo?"

Ang sagot ko, "Sa ngayon, kaya hindi pa rin ako tutulad sa iyo."

Nagtanong siya ulit, "Sa ngayon?" Bahagya siyang natuwa.

Sabi ko, "Oo nga."

"Talaga?" patuloy niyang tanong.

"'Wag na nga lang. Ang kulit mo e. Habambuhay ka nang magiging pantasya sa buhay ko. Hindi na ako magiging tulad mo kahit kailan." sagot ko.

"Ngee!" sabi niya.

Paminsan-minsan na lang niya ako dinadalaw ngayon (baka nagtatampo).

Pero sa wakas, may isang pahina na ng buhay ko ang magwawakas.

Friday, March 11, 2011

Lindol, Tsunami atbp.

Isang kalunus-lunos na balita ang natunghayan ko sa aming lumang telebisyon. Sa Japan. Lumindol at nagka-tsunami. Nakakatakot isiping nawasak ang isang parte ng mundo (hindi naman wasak ang buong Japan) na isa sa mga moderno. Naisip ko kung paano na ang mga bansang nasa kategorya na "Ikatlong Daigdig" kung tatamaan din ng ganito katinding sakuna. Tulad ng nangyari sa Haiti. Tsktsktsk

Nakakatakot rin isiping ang "kamatayan" ay biglaang dumarating kung minsan. Walang pakundangan. Mas maganda pa nga yata kasing alam na ng tao kung kailan siya mawawala dahil hindi siya aalis ng bahay sa mismong araw na iyon. Makakapagpaalam siya at dahil alam niya nga kung kailan siya mawawala, may panahon siyang tanggapin ang lahat, lahat-lahat.

Kahapon, nakatayo ako sa labas ng elementary school ko noon (susunduin ko kasi ang nakababatang kapatid ko) habang kumakanta ng Huwag kang matakot ng Eraserheads. Patuloy ang pag-agos ng mga pwedeng isipin. Mula sa isang eksena sa isang nobelang naaalala ko patungo sa mga taong nangunguha ng bata at kinukuha ang isang parte ng katawan nito (internal part). Ano na bang nangyayari sa mundo? Para tuloy itong nagiging Pangalawang Bugso ng Pagkadismaya sa Mundo.

Sa 2012 na ba ang katapusan? Ang alam ko hindi. Sigurado pala ako. Maniwala ka, kahit hindi ako part-time fortune teller man lang (alam kong may qualifications).

"It ain't the end of the world," ika nga ni Jay Sean. Pancit Canton ko nga e, 2013 pa expiry date.

2012 (It ain't the end)

Hanggang sa Wala na Akong Masabi

Magsasalita ako hanggang sa wala na akong masabi, sa isip ko lang. Sa isip ko lang ako magsasalita.

Pagkatapos, paiiralin ko ang Taciturnity. Iisipin ng lahat na wala akong buhay at isusugod nila ako sa pinakamalapit na ospital. Ngunit hindi nila kailanman malalaman na ang nasa isip ko sa pagkakataong iyon ay ang pagiging malupit ng mga Alaala na palutang-lutang at akala mo'y walang tiyak napatutunguhan. Minsan, lumalabas ito sa isip mo at tuluyang mabubura habang ang iba naman ay mananatili, magmamatigas at hanggang sa huling segundo ng buhay ay magpapabagabag nang walang pakundangan.

Mamaya, mag-iimbento ako ng formula na makakasagot sa lahat ng problema na maaaring ibato sa mga taong tumatanggap ng reklamo at syempre, hindi ako iyon. Gusto ko kasi silang tulungan dahil para bang nagiging may kapansanan sila paminsan-minsan at kadalasan, mali ang tugon nila sa mga matanungin.

Magsasalita ako hanggang sa wala na akong masabi, sa isip ko lang. Sa isip ko lang ako magsasalita.

Pagkatapos, paiiralin ko ang Taciturnity.

Taciturnity.

Taciturnity, paulit-ulit ko itong sasabihin. Mga 85 times, sunud-sunod.

Taciturnity...

Hanggang sa antukin ako.

Wednesday, March 9, 2011

Isang Tula Para sa Ikatatahimik ng Lahat

Tatahimik na ba sa mundo dahil sa tulang ito?

Niyayapos tayo ng sarili nating pagkatao
Habang tila nagiging magulo ang lahat
Tulad ng sampagitang tuyo't wala nang bango
Nakakalungkot ang ganitong bagay

Kung pagmamasdan ang kapaligirang nakapalibot
May mararamdamang kakaiba na walang pinanggalingan
Kapayapaan ay sinisigaw ngunit naririnig lang naman
Naririnig, ngunit may bomba ang mga utak

Ang mahalagang malaman, ay kung ano'ng magpapapipi sa lahat
Walang magsasalita ng kahit ano ang kahit sino, isang segundo lang
Masakit kasi sa tainga kahit maganda ang boses
Mga mura at pasaring sa isa't isa

Suntukan na lang kung gusto niyo pero walang aaray
Biro lang, seryoso akong nagbibiro lang ako
Tumahimik na kasi kayo at pagmasdan nating pare-pareho
Ang pinakamagandang bagay sa mundo

Ang sabay-sabay nating pagtingin sa isang bagay, ano man ito...

Tuesday, March 8, 2011

Yellow Submarine

Kakailanganin kong isambulat sa mundo ang mga ayaw nilang marinig. Ayaw ko itong gawin pero gusto ko pero hindi ko magawa kahit kailangan ko at gusto ko nga. Ewan.

Sana, makabili ako balang araw (o makasakay man lang) sa isang submarine. Gustong-gusto ko na inilulubog ang sarili ko? Hindi. Ang gusto ko lang naman ay makalkal ang lahat kahit ba hindi ko naman ito kinakalkal nang literal. Explore, ika nga ng isang pilay kong kakilala. Naaalala ko tuloy na minsan, naging Boy Scout ako...Explorer ang rank.

Sumisid ako. At baka hindi na ako umahon pa Till There Was You. Masarap kayang "mamatay" nang dahil sa pantasya (O, Tasha). Bangungot na kay ganda. Umagang kay saklap. Bangungungot na kay saklap. Umagang kay ganda. Ano ang tama? O baka kasi ako na ang may tama.

Bahala na.

Kung sakali na may nagbebenta ng submarine, huhulug-hulugan ko na lang ang bayad kahit abutin pa ako ng ilang dekada o siglo at maubos ang inipon kong yaman ng mundo na nakabaon sa gilid ng bahay namin na nahukay ko somewhere out there (hindi ko sasabihin kung saan dahil marami pang natirang kayamanan doon na hindi ko maaatim na mapunta sa kamay ng masamang tao na makakabasa nito). Wala kayong makukuhang impormasyon mula sa akin. Hahaha.

Ngunit tila magiging pangarap na lang ang submarine ride na inaasam ko.

Sa mga nakakabasa nito ngayon, kung may kilala kayong marerentahan ng submarine, pakisabihan naman ako. Iyong mura lang ha, at 'di mabubutas ang bulsa ko.

Without A Little Help From Anyone

It seems that my problems (little problems, I guess) are getting fixed in a very hard way. How could this happen to me? Yea right, of course I know. Indolence has come my way. And this is the reason why I got no time to relax at this point of my life, 3rd year, 2nd semester. What a stressful last few weeks!

Hearing Bob Marley's Iron Lion Zion, I'm not sure what I'm gonna do first. To dance or to pinpoint what Bob wants to say in this song. So I did both. What I'm supposed to do? I feel helpless, so frustrating. What I'm supposed to do? Now that I'm lost and being haunted by existential questions.

Who am I?

What is my purpose in life?

Why am I here?

It's gettin' hot in here...(not included in the existentialism thing)

I never thought that I can stand in a pessimist's smelly shoes. I used to be a happy man that doesn't support premarital sex, abortion and death penalty. But now, everything changed temporarily (the operation will be back to normal soon) in the negative side (but I'm still against the three things I enumerated earlier).

Seriously, I want a little change in my life. Honestly, I'm getting bored. Actually, I'm lonely.

Respectfully yours, Richard.

P.S. I love you..   XD XD XD

Monday, March 7, 2011

Kagabi, Ang Dami Kong Isinaisip

Kagabi, pag-uwi ko, walang tao sa bahay pero bukas ang ilang ilaw at pakiramdam ko, ninakawan kami. May susi ako ng bahay. Bago umakyat, nagdala ako ng kutsilyo  kung sakali. At pag-akyat ko, wala. Walang action scene.

Nanood na lang tuloy ako ng First Romance (iyong kay John at Heart lang) para kiligin naman kahit kaunti.

Ba't ko ito kinukwento? Siguro...

Mahalaga kasi ito para sa akin. Lalo na dahil sa ramdam ko pa rin ang pagod nang gabing iyon (hanggang ngayon) at ikinatakot kong baka nakikipagkonekta sa akin ang isang hindi makamundong nilalang sa pamamagitan ng pagpapasakit ng kaliwa kong kamay (hindi naman masyadong masakit) gamit ang kanyang umano'y "mahika".

At ginugulo ako ng mga pagkulo at pagsasama-sama ng mga bagay na sumasagi sa aking isipan. Tulad na lang ng pagpapamisteryoso ko, pagsesenti bilang karapatan, 4th straight loss ng Heat, pagbabalik-tanaw sa mga pang-romantic comedy movie kong eksena sa totoong buhay, The Scream ni Munch na paborito kong painting at si Kekay. Hahaha.

Ngayon, nakikinig ako sa Silent Sanctuary, ang kanta nilang Summer Song. Sa tuwing naririnig ko ang awiting  ito, para bang ang sarap ma-in-love 'pag summer (summer lang talaga). Tapos, napapasayaw pa ako (at napapasaiyo).

Listen, do you want to know a secret? 'Wag na lang kaya, baka ipagkalat mo pa e. At ba't ba kasi ang dami kong iniisip kagabi?

Kahina-hinayang nga bang ibulong sa iyo ang isang kakapiranggot na pinakamalaki sa lahat para sa akin? Pinakamalaki dahil nasa kaloob-looban ko ito.

Mga Alaala

Bigla kong nagunita ang mga kaganapan 70 years ago, pero bigla ring sumiksik sa isip ko na 19 years pa lang nga pala ako nananahan sa mundo. Kaya bigla rin akong napatanong, "Bakit ako nagagambala sa positibong banda ng mga pekeng alaala na higit pa yatang nagiging mas makatotohanan pa kaysa sa realidad na pinipilit nating paniwalaan kadalasan?"

Hanggang sa tangayin na lang ang utak ko sa pinakasimpleng kung ano na may kinalaman pa rin kahit papaano sa mga alaala ko 70 years ago na inimbento ko lang naman talaga na naaalala ko.

Bakit naaalaala ang alaala? Nang paulit-ulit.
Ang sagot ko, Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit naaalaala ko ang 15th birthday ko, ang one great love ko na mukhang hindi ko makakatuluyan (napapakanta tuloy ako ng Almost Over You), ang nasirang si Honey (unang pusa ko), mga kakatwang kabalbalan na kinasangkutan ko at kung anu-ano pa. Ayayay! Ang alam ko lang, gusto ko silang lahat na aking mga alaala na wala pang 50 persons ang nakakaalam.

Masaya na 'ko sa ganito. Ang malamang may nalalaman ako at may sinasabi, kahit sa sarili ko lang kadalasan. Wala namang kasing nagtatanong, walang mangangahas, at kung may mangahas man, sasabihin kong, "Wala akong alam, wala akong kasalanan." At tatantanan rin ako ng kapangahasan ng kung sino man na iyon.

At hindi mo malalamang IKAW lang ang aking walang sawang tititigan, pero gusto kong iyong maramdaman ang kapangyarihan ng aking bawat sulyap na tumatagos sa iyong kasuotan (hindi ako naninilip) patungo sa iyong kaluluwa na mas matindi pa sa mga kaluluwa ng mga nananakot na patay. Patay na patay ako sa iyo. Dead na dead.

Kailangan ko na yatang pumaslang ng mga piling alaala.

Saturday, March 5, 2011

Ang Mangyakap ng Babae

Maraming beses ko na naibulong sa sarili ko habang nakatulala sa kariktan ng isang babae na, "Sa pagkakataong ito, ngayon mismo, siya ang pinakamaganda sa paningin ko." Nagiging kasinungalingan ito kapag kaharap ko sila lahat (lahat ng mga babae).

Sa tuwing dadapo na parang paru-paro sa isip ko ang pagkamisteryosa nila, nahahatak ako sa ibang dimensiyon na para bang isa ako sa mga Power Rangers. Nagiging 10 beats/second ang heartbeat ko at alam ko, hindi na muli magiging "kubkob ng hilahil" ang mundo. Pero nawawala din iyon tuwing alaala na lang ng pakiramdam ang nasa akin.

Kaya ang sarap isipin na may kayakap kang babae o nangyayakap ka ng babae, hindi nangmamanyak. Galit na galit ako sa mga lalaking bumabastos sa kahit sinong babae o kahit sinong bumabastos sa isang babae(kahit alien). Kawalang respeto, problema 'yan. Tsktsktsk

At bigla kong naalalang bukod sa kanilang brilyanteng mga mata na sadyang nakamamatay kung tititigan nang matagal, mayroon pa silang hindi pinapakita pero ramdam na ramdam ng puso ko. Isang lihim, lihim na pagtingin. Hahaha, biro lang.

Basta, 'pag  may pagkakataon... yayakapin ko sila lahat.

Siya nga pala, mahal na mahal ko ang isa sa inyo.

Friday, March 4, 2011

Unang Bugso ng Pagkadismaya sa Mundo

Hindi porket tuwang-tuwa ako sa "What a Wonderful World" na 'to ay wala na akong maisusungalngal sa mukha ng mga malaki ang kontribusyon sa mga sari-saring kabalbalang  nangyayari sa tabi-tabi. Dismayado ako, pati sa sarili ko. Nakakalungkot at nakakabaliw, at dahil dito, ang sarap tuloy yakapin ng langit o kaya ng anghel ng buhay mo. Haay...

Ang problema (mga problema), maraming iniintindi na 'di naman dapat, walang respeto sa iba at gusto na nasa tuktok. Hindi naman guilty lahat.

Ang maganda (mga maganda), babae, buwan, madaling-araw, dagat, gubat, langit, 8 Wonders of the World, Sining, ang Iyong mga mata, pagdampi ng hangin sa nakalugay na buhok na walang dandruff o split ends, Pag-ibig at marami pang iba. Madaming-madami.

Ba't ba kasi patuloy ang pag-usbong ng pagka-Makabayan at paghahangad ko ng kaayusan ng buong mundo? Sarili ko pa nga lang e, isang malaking nakalilitong madikit na sapot na. Kaya kailangan nga na simulan ang pag-aayos sa sarili muna (self-control, self-confidence, self-study XD, atbp.) para lahat tayo Happy.

P.S. Hypocites, warfreaks, mga walang acrophobia, greedy people at mga kontrabidang hindi ko ma-classify sa ngayon, What's up?

                 Kain muna ako.
                 Tsktsktsk
                 Nakakadismaya ang umano'y balanse.