Nang narinig ko sa unang pagkakataon ang kantang ito, nailarawan ko sa isip ko na napapakinggan ko ito (ang kantang ito) habang nasa LRT o MRT. Pagkatapos, umuulan pa. Nakatingin ako sa labas ng bintana, medyo matagal ang biyahe, mula Baclaran patungong Monumento (hindi naman talaga matagal). At umuulan nga, tapos naisipan kong magbasa ng mga makabagbag damdaming mga tula. Malungkot ako, emo. Tapos, sinasabayan ko na si John Mayer.
Stop this train, I want to get off and go home again.
Pero minsan, ayaw ko naman umuwi agad. Baka mautusan lang ako sa bahay. Pero kadalasan, umuuwi rin ako, dahil saan pa ba ako pupunta? Pwede ba 'kong makitira sa iba o maglagalag? Pwede, pero alam kong hindi rin ako magtatagal sa ganoong kalagayan.
I can't take the speed, it's moving in.
Kanina, nasa LRT Line 1 ako at nagpe-play sa utak ko ang kantang 'to. Nag-emo tuloy ako bigla.
Ang bigat sa pakiramdam ng mga pakiradam ng mga nagdaang huling araw. Talo ko pa ang nag-igib buong araw. Sa kanila, katawan lang ang hinapo ng pagbubuhat ngunit sa pagbubuhat ko ng mabigat na ito, isip ko ang pinawisan.
I know I can't.
Sa panaginip ko, nakasakay ako sa tren. Pekeng panaginip. Ako lang mag-isa, ewan ko kung sino ang nag-drive. Basta ako lang mag-isa. Nag-iisip ng kung anu-ano, may kabuluhan at wala. Tungkol sa mundo at pagbuhay sa buhay. Hanggang sa mapuno ang tren ng mga sentimyento kong hilaw. Hilaw pa ngunit gustung-gusto kong ilabas. Ang labo.
Nasa tren nga ako, papunta sa libo-libong destinasyon na hindi ko mapupuntahan lahat kahit gugulin ko pa ang buong buhay ko sa paglalakbay.Isa lang o kaya dalawa o tatlo, hanggang tatlo lang.
Pero sa ngayon, makikinig muna ako ng mga nanggagayumang musika.
But honestly, won't someone stop this train?
No comments:
Post a Comment