Nakakainip.
Nakakahilo.
Naaasar sa mga sumisingit na mukhang singit.
Kahapon, ang haba ng pila na maihahalintulad sa sari-saring bulok na sistema.
Umaalingasaw, tila hindi na maayos at walang patutunguhan.
Kalunos-lunos.
Buti pa kayo nakapagmeryenda na, kami hindi pa. Ayos, 'di ba?
Ngayon, walong oras ako tumayo.
Ang kalungkot-lungkot, kailangan pang bumalik isang araw matapos ang makalawa.
Pabalik-balik.
Paulit-ulit, nakakabobo.
Paulit-ulit, nakakabobo.
Paulit-ulit, nakakabobo.
Paulit-ulit, nakakabobo.
No comments:
Post a Comment