Tatahimik na ba sa mundo dahil sa tulang ito?
Niyayapos tayo ng sarili nating pagkatao
Habang tila nagiging magulo ang lahat
Tulad ng sampagitang tuyo't wala nang bango
Nakakalungkot ang ganitong bagay
Kung pagmamasdan ang kapaligirang nakapalibot
May mararamdamang kakaiba na walang pinanggalingan
Kapayapaan ay sinisigaw ngunit naririnig lang naman
Naririnig, ngunit may bomba ang mga utak
Ang mahalagang malaman, ay kung ano'ng magpapapipi sa lahat
Walang magsasalita ng kahit ano ang kahit sino, isang segundo lang
Masakit kasi sa tainga kahit maganda ang boses
Mga mura at pasaring sa isa't isa
Suntukan na lang kung gusto niyo pero walang aaray
Biro lang, seryoso akong nagbibiro lang ako
Tumahimik na kasi kayo at pagmasdan nating pare-pareho
Ang pinakamagandang bagay sa mundo
Ang sabay-sabay nating pagtingin sa isang bagay, ano man ito...
No comments:
Post a Comment