Unti-unti na akong napapalapit sa kapalaran.
Unti-unti na ring nabubuo ang buhay kahit ba may mga ikinatatakot pa rin ako.
Akala ko talaga noon, exempted ako sa pagdurusa na para bang isa lamang itong exam na sinasagutan at didiktahan ka ng kung sino na hindi ka magdudusa. Madali lang ang buhay noon.
"Madali lang kasi."
Ang kailangan lang, gumising at gumalaw. Ngayon, kailangan nang pag-isipan ang lahat dahil kung magkakamali ka, ang mga pinaghirapan ay magiging parang kastilyong buhangin na gumuho. Ulitan.
Ang tanong sa akin ng demonyo sa utak ko, "Masaya ba sa mundo?"
Ang sagot ko, "Sa ngayon, kaya hindi pa rin ako tutulad sa iyo."
Nagtanong siya ulit, "Sa ngayon?" Bahagya siyang natuwa.
Sabi ko, "Oo nga."
"Talaga?" patuloy niyang tanong.
"'Wag na nga lang. Ang kulit mo e. Habambuhay ka nang magiging pantasya sa buhay ko. Hindi na ako magiging tulad mo kahit kailan." sagot ko.
"Ngee!" sabi niya.
Paminsan-minsan na lang niya ako dinadalaw ngayon (baka nagtatampo).
Pero sa wakas, may isang pahina na ng buhay ko ang magwawakas.
No comments:
Post a Comment