Bigla kong nagunita ang mga kaganapan 70 years ago, pero bigla ring sumiksik sa isip ko na 19 years pa lang nga pala ako nananahan sa mundo. Kaya bigla rin akong napatanong, "Bakit ako nagagambala sa positibong banda ng mga pekeng alaala na higit pa yatang nagiging mas makatotohanan pa kaysa sa realidad na pinipilit nating paniwalaan kadalasan?"
Hanggang sa tangayin na lang ang utak ko sa pinakasimpleng kung ano na may kinalaman pa rin kahit papaano sa mga alaala ko 70 years ago na inimbento ko lang naman talaga na naaalala ko.
Bakit naaalaala ang alaala? Nang paulit-ulit.
Ang sagot ko, Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit naaalaala ko ang 15th birthday ko, ang one great love ko na mukhang hindi ko makakatuluyan (napapakanta tuloy ako ng Almost Over You), ang nasirang si Honey (unang pusa ko), mga kakatwang kabalbalan na kinasangkutan ko at kung anu-ano pa. Ayayay! Ang alam ko lang, gusto ko silang lahat na aking mga alaala na wala pang 50 persons ang nakakaalam.
Masaya na 'ko sa ganito. Ang malamang may nalalaman ako at may sinasabi, kahit sa sarili ko lang kadalasan. Wala namang kasing nagtatanong, walang mangangahas, at kung may mangahas man, sasabihin kong, "Wala akong alam, wala akong kasalanan." At tatantanan rin ako ng kapangahasan ng kung sino man na iyon.
At hindi mo malalamang IKAW lang ang aking walang sawang tititigan, pero gusto kong iyong maramdaman ang kapangyarihan ng aking bawat sulyap na tumatagos sa iyong kasuotan (hindi ako naninilip) patungo sa iyong kaluluwa na mas matindi pa sa mga kaluluwa ng mga nananakot na patay. Patay na patay ako sa iyo. Dead na dead.
Kailangan ko na yatang pumaslang ng mga piling alaala.
No comments:
Post a Comment