Tuesday, October 18, 2011

Fiction Factory

Kahapon ng hapon, kakaiba ang pakiramdam ko. Parang nagpapaubaya na ang katawan ko. Parang mamamatay na 'ko. What the...

Antok na antok ako. Ayaw dumilat ng mata kahit ano'ng gawin ko. Hindi naman siguro 'to dahil sa pagpupuyat ko these last few days sa mga "walang kakwenta-kwentang bagay" daw.

Nagpapaubaya na nga ang katawan ko at napapangiti ako nang walang dahilan. Sa totoo lang, ang ganda ng pakiramdam ko nun. Feels like heaven, ika nga ng Fiction Factory. Hindi ko nga alam kung saan ko nakuha ang ideyang mamamatay na 'ko. Kung nasa katinuan siguro ako kahapon, baka takot na takot na 'ko. Hindi ko gustong maglaho.




"Oo, ayaw kong maglaho."

"Sino ba'ng may gusto?"

"Hindi ko alam pero alam kong may mga sawa na."





At ang nakakatawa pa, habang naglalakad ako sa kalye papunta sa eskwela para sunduin ang bata kong kapatid, ang lakas ng tugtugan sa may tindahan. Dust in the wind. Napangiti ako bigla. Malapit nang magdilim nun at pakiramdam ko'y bigla na lang akong hihigupin ng lupa at walang makakapansin sa 'kin. May makakita man, wala dapat silang pakialam. Natawa ako lalo sa ideyang 'yon.


Dust in the wind? Kung napanood mo na ang Final Destination 5, maiintindihan mo 'ko kung bakit ako natawa.

No comments:

Post a Comment