Naniniwala tayong lahat sa kung ano. Siguro naman, magsu-suicide ako 'pag hindi. Biro lang. Baka may hindi naniniwala na nabubuhay sila sa mundo at nag-iisip.
Nitong mga nakaraang araw, bumitaw ako sa isang malaking bagay na pinaniniwalaan ko. Tapos, Holy Week pa talaga nangyari. Wew!
Hindi ko rin naman sigurado kung tama ba ang pagbitaw kong ito. Wala rin namang nakasisiguro, maliban sa nagpakalat ng kalituhang ito. Ewan, hindi ko rin alam, ayaw ko rin sana itong paniwalaan.
At least, hindi na 'ko masyadong nakakulong...kahit ako lang ang nakakaalam nito.
Malaya ako. Malayang-malaya (sa paraang alam ko).
Tawa ka nang tawa. Pero hindi ako nayayamot, dahil ang ganda ng ngiti mo. Pinakamaganda sa mga nakita ko na sa buong buhay ko. Hahaha, wala lang. Bigla lang kita naisip kahit hindi naman kita kausap ngayon. Masisisi mo ba ako?
Basta, malayang-malaya na ako sa pagkakakulong ko sa sarili ko. Mas handa na 'ko sa mga humps sa daan na 'di ko pansin noon at alam ko na kung sino ang dapat kung lapitan sa mga oras ng kagipitan.
Lahat ng ito, tungkol sa paniniwala. Hindi ka naniniwala? Bahala ka, maniwala ka na kasi.
Kinilabutan ako sa isang kwento ng pinsan ko na hindi ko alam kung totoo, pero gusto kong paniwalaan. Nang gilitan daw nila ang leeg ng isang baboy na kakatayin nila at iniwan ito sa pag-aakalang patay na ito, bigla itong tumayo at kumain ng damo. Ba't gagawin ito ng baboy na 'yon na nasa bingit ng kamatayan? Hindi ko alam, sana nalaman ko.
Ano?
Maniniwala ka na ba?
O bibitaw na rin sa tila isang panglilinlang?
No comments:
Post a Comment