Wednesday, April 6, 2011

Isang hatinggabi, hindi ko maipikit ang aking mga mata.

Alumni Homecoming, paulit-ulit, hanggang sa maalaala't maaninag ko ang hinahaharap. At kung nasa hinaharap na ako sa isang iglap, alam kong magbabalik-tanaw rin ako sa mga panahong tulad nito.


"Mahal pa rin kita, kahit ang sakit-sakit na," sabi ni John Lloyd kung 'di ako nagkakamali. Ginaya ko rin ang sinabi niya, pero ang pinagkaiba, sarili ko lang ang pinagsasabihan ko.

"Mahal pa rin kita, kahit ang sakit-sakit na," tatlong ulit ko sinabi, sa sarili ko pa rin dahil 'di niya dapat marinig. Ayos na e, sisirain ko pa. Ngumingiti na sa akin e, mawawala pa. Kaysa wala.


Ngunit sa tuwing mabubungkal ang ibinabaon kong alaala, hindi ko maiwasang mag-play sa isip ko ang OST ng kwento ko (hindi naman Alumni Homecoming), magpakasenti at mag-isip na isa akong dakilang hangal o baliw.

Ayos a, emo na 4x5 gupit.

Pero wala nang mas hahalaga pa kaysa sa kaligayahan niya, kahit kaligayahan ko pa (martir ang loko).Ganito ang pag-ibig na ipinatanaw sa akin. Pakiramdam ko kasi, hindi ko kayang gampanan o hindi ako karapat-dapat na maging bidang lalaki sa isang romantic film, sa ngayon. Ako lagi 'yong magpaparaya. Aba, napakahalagang role no'n. Sa tingin ko nga ay sila dapat ang makakuha ng mga best actor awards dahil mahirap ang magparaya.


Mahirap magparaya, lalo na kung gusto mong mandaya. Naiintindihan n'yo naman siguro ang nais kong sabihin.



At patuloy ang pagtunog ng Playlist 77...

No comments:

Post a Comment