Friday, March 4, 2011

Unang Bugso ng Pagkadismaya sa Mundo

Hindi porket tuwang-tuwa ako sa "What a Wonderful World" na 'to ay wala na akong maisusungalngal sa mukha ng mga malaki ang kontribusyon sa mga sari-saring kabalbalang  nangyayari sa tabi-tabi. Dismayado ako, pati sa sarili ko. Nakakalungkot at nakakabaliw, at dahil dito, ang sarap tuloy yakapin ng langit o kaya ng anghel ng buhay mo. Haay...

Ang problema (mga problema), maraming iniintindi na 'di naman dapat, walang respeto sa iba at gusto na nasa tuktok. Hindi naman guilty lahat.

Ang maganda (mga maganda), babae, buwan, madaling-araw, dagat, gubat, langit, 8 Wonders of the World, Sining, ang Iyong mga mata, pagdampi ng hangin sa nakalugay na buhok na walang dandruff o split ends, Pag-ibig at marami pang iba. Madaming-madami.

Ba't ba kasi patuloy ang pag-usbong ng pagka-Makabayan at paghahangad ko ng kaayusan ng buong mundo? Sarili ko pa nga lang e, isang malaking nakalilitong madikit na sapot na. Kaya kailangan nga na simulan ang pag-aayos sa sarili muna (self-control, self-confidence, self-study XD, atbp.) para lahat tayo Happy.

P.S. Hypocites, warfreaks, mga walang acrophobia, greedy people at mga kontrabidang hindi ko ma-classify sa ngayon, What's up?

                 Kain muna ako.
                 Tsktsktsk
                 Nakakadismaya ang umano'y balanse.

2 comments:

  1. pag miks may halong pagkawalastik..ang kamunduhan ayntial isang malaking plastik na nakakababad sa pormaling ispirikitik.

    ReplyDelete
  2. Ahahaha..Tama ka.Nakakadismaya, hindi ba?

    ReplyDelete