Pakiramdam ko, parang responsibilidad ko ang lahat dahil nakikita ko ang mga problema na 'di napapansin ng iba.
Ako siguro ang kailangang kumilos pero ang problema, 'di ako makagalaw.
Saan at kailan ako magsisimula?
Ano ba ang sisimulan ko (ang dami kasing pagpipilian e)?
Ang sabi, lumindol daw kagabi pero mahina lang (hindi ko nga naramdaman e). Naisip ko kung ano na ang susunod dito. Para bang wala akong makausap tungkol dito. Helpless na gustong tumulong, tsktsk.
Gutung-gusto ko na pinag-iiintindi ang mga ganitong bagay. Laging kasing laman ng isip ko 'to sa tuwing nagmumuni-muni ako (habang sumasagi din ang pag-iral ng kung anu-anong mga bagay-bagay sa mundo). Kasamaan, kabutihan, kaguluhan, kaayusan, kalibugan, kabanalan at marami pang iba.
Gustung-gusto ko na rin maging kampon ng kabutihan. Ang dami kasing mga pangyayaring 'di dapat ipagwalang-bahala tulad ng pagkawasak at pagkabuo ng kung anu-ano. Kadalasan, 'yong mga nabubuo, ayaw nating umiral sa mundo pero hinayaan nating mabuo habang ang mga nawawasak naman na ating kanlungan at bagay na ginusto nating mabuo sa mundo ay hinayaan nating magkaroon ng posibilidad na mawasak.
Pagkawasak at pagkabuo. Gusto kong mawasak at mabuo.
Gusto kong wumasak at bumuo.
panalo yung last line.
ReplyDeleteayos ba?
ReplyDelete