Kagabi, pag-uwi ko, walang tao sa bahay pero bukas ang ilang ilaw at pakiramdam ko, ninakawan kami. May susi ako ng bahay. Bago umakyat, nagdala ako ng kutsilyo kung sakali. At pag-akyat ko, wala. Walang action scene.
Nanood na lang tuloy ako ng First Romance (iyong kay John at Heart lang) para kiligin naman kahit kaunti.
Ba't ko ito kinukwento? Siguro...
Mahalaga kasi ito para sa akin. Lalo na dahil sa ramdam ko pa rin ang pagod nang gabing iyon (hanggang ngayon) at ikinatakot kong baka nakikipagkonekta sa akin ang isang hindi makamundong nilalang sa pamamagitan ng pagpapasakit ng kaliwa kong kamay (hindi naman masyadong masakit) gamit ang kanyang umano'y "mahika".
At ginugulo ako ng mga pagkulo at pagsasama-sama ng mga bagay na sumasagi sa aking isipan. Tulad na lang ng pagpapamisteryoso ko, pagsesenti bilang karapatan, 4th straight loss ng Heat, pagbabalik-tanaw sa mga pang-romantic comedy movie kong eksena sa totoong buhay, The Scream ni Munch na paborito kong painting at si Kekay. Hahaha.
Ngayon, nakikinig ako sa Silent Sanctuary, ang kanta nilang Summer Song. Sa tuwing naririnig ko ang awiting ito, para bang ang sarap ma-in-love 'pag summer (summer lang talaga). Tapos, napapasayaw pa ako (at napapasaiyo).
Listen, do you want to know a secret? 'Wag na lang kaya, baka ipagkalat mo pa e. At ba't ba kasi ang dami kong iniisip kagabi?
Kahina-hinayang nga bang ibulong sa iyo ang isang kakapiranggot na pinakamalaki sa lahat para sa akin? Pinakamalaki dahil nasa kaloob-looban ko ito.
No comments:
Post a Comment