Sunday, August 14, 2011

Linggo ng Wika











*Mag-uumpisa na ngayong linggo. Hindi ako magsasalita ng Ingles simula ngayon hanggang sa matapos ang buwang ito (pero magsisingit ako ng ilang mga English words sa blog na ito XD). Kahit na kausapin pa 'ko ng isang foreigner sa kung anong dahilan. Biro lang. Hindi naman ako gano'n ka-OA.



Ayun, makikinig ako ng kundiman at mga tunog ng piyesta. Babalik ako sa nakaraan ng Pilipinas na alam kong nabisita ko na noon, noong nakaraang buhay ko. Isa akong magsasakang nakikipaglaro sa araw sa tanghaling tapat at 'di nagsisinungaling. Wala akong kalabaw at lupa. Puro pagpapaitim lang ang inaatupag ko noon. Bigla-bigla ay sumundot ang tadhana. Naging pintor ako, pintor na primer lang ang pangkulay.


"Vandalism 'yan," sabi ng isang nakapansin sa nakaguhit sa pader.


"Hindi. Graffiti 'yan. Titingin ka lang e." sabi ng isa pa.


"Basura!" sabi ng napadaang basurero (hindi ang nakaguhti sa pader ang tinutukoy niya).


"'Wag nga kayong maingay! Magsisimula nang awitin ang ating Pambansang Awit. Ang Bayang Magiliw." sabi ng prinsipal ng paaralan kung saan naroroon ang pader na may nakaguhit.


"Tanga! Lupang Hinirang." sabi ko. Ako na nagkukwento sa 'yo ngayon.


At ilang sandali pa ay tumugtog ang awit na dapat ay alam ng lahat ng Pilipino.



Walang umimik. Nakakapanindig balahibo...









P.S. Tumula tayo ngayong Linggo ng Wika! Tangkilikin natin ang ating sariling wika! Kahit ngayong linggo lang.

No comments:

Post a Comment