Tuesday, November 1, 2011

90's

Bata pa 'ko noon. Puro laro ang inaatupag (Langit-lupa, tumbang preso, syato, taguan atbp.) maghapon.
Natutulog 'pag tanghali.
Ang mundo, puno ng kulay.
Ang buhay, hindi gano'n ka-komplikado. Gusto ko lang gumuhit at itakda ang kinabukasan.
Noon. Noong 90's.

Ngayong madaling-araw (0310H), na-miss ko bigla ang pagkabata ko. Noong hindi pa 'ko mulat sa kamunduhan at sa pakikipaghabulan ay hindi ako maawat. May mga kaibigan pala ako noon. Hindi ko na sila nakakausap ngayon at nakikipag-ugnayan na lang ako sa kanila sa pamamagitan ng mga makahulugang titig. Bakit gano'n? Kung kailan kailangan ko nang matulog ay mapapaisip pa 'ko ng mga ganitong bagay. Impluwensya 'to ng mga nabasa ko e at mga nasagap na balita. Ibabalik na daw ang Magandang Gabi, Bayan (MGB) (show sa Ch.2 noon) na imahe ng Undas noong bata pa 'ko. Tapos, naalala ko ang nabasa kong isang blog entry ni Caroline Castro tungkol sa 90's. Naalala ko rin ang kwentong nabasa ko tungkol sa lalaking naaalala ang mga laruan niya noon na hindi na niya nalaman kung saan napadpad mula nang lumipat sila ng bahay. Tsktsk. Emo tuloy sa madaling-araw ang labas ko nito. Tapos, gusto kong umiyak, seryoso.
May kung ano kasi sa loob ko na nagsasabing: "Nasayang ang pagkabata mo."
Pero naisip ko bigla ang sabi ni John Lennon.
"Time you enjoy wasting was not wasted."
Sabi pa rin ng kung ano sa loob ko: "Kahit ano'ng sabihin mo, hindi mo pa rin nagawang quality time ang mga panahong iyo. Iyong-iyo. Iyo't iyo. Hanggang ngayon naman."
Ang sagot ko naman: Who cares?
Sabi niya: "NBA Cares."
Hindi ako papatalo syempre: The best ka talaga!

Nakakalungkot.
Totoo kayang nag-ubos lang ako ng panahon noon?
Kaya ba parang gusto kong maging bata ulit?
Kaya ba parang hina-hunting ako ng mga drawing ko noon at para bang gusto nitong ipagpatuloy ko ang pagguhit na ilang taon ko ring kinalimutan?
Kaya ba ang bilis ng panahon para sa akin pero naiiwan ako sa nakaraan?
'Pag wala akong nakausap na matino ngayon, lagot ako. Krisis na 'to.

90's! Heto ang isang batang 90's na naliligaw ng landas.
10-29-11   0350H

4 comments:

  1. NASA ATTITUDE LANG YAN..."A GREAT MAN DOESN'T LOSE HIS CHILD'S HEART" IKA NGA NI MENCIUS.

    ReplyDelete
  2. ako gusto kong bumalik sa pagkabata..kasi ang hirap mabuhay ngayon. ang daming pinoproblema. noon, problema ko na yung tungkol sa paglalaro namen ng mga kalaro ko. gusto ko rin bumalik sa highschool life, ang problema lang NATIN noon eh lovelife. hahaha

    ReplyDelete
  3. hahaha,lovelife talaga e, 'no?hindi nga pala problema pag-aaral noon..tsktsk,ang mga panahong 'yon.

    ReplyDelete