Kani-kanina lang, may nakita ako habang nakasakay sa tricycle patungo sa kung saan. Isang napakabata pang babae (teenager), mas matanda pa ako (taga-sa amin). May itinutulak siya, stroller. Oo, may anak na kaagad siya sa ganoong edad.
Naisip ko tuloy kung patas ba ang mundo. Hindi kaya lugi ang mga babae? Nasa kanila ang aking simpatya dahil tila ba walang mawawala sa mga lalaki, kadalasan, minsan.
Tapos, naisip ko rin kung kaya niya ('yong babae) o kung kuntento na siyang ganoon ang kanyang mundong gagalawan sa napakatagal na panahon. Maganda pa naman siya at maraming oportunidad na nag-aabang sa kanya. Sigurado ako dahil ganito sa mundo. Ang tinutukoy ng ibang "kayliit" ngunit kailangan pa nilang sumakay ng sasakyan para makapunta sa isang malayong lugar (namimilosopo lang po, alam ko naman ang ibig sabihin ng "kayliit ng mundo").
At nasa isip ko pa rin ang kalagayan ng mga babaeng nalulugi (kasama na 'yong babaeng nakita ko kanina).
Kakayanin niya kaya? Ako nga ngayon pa lang nahihirapan na e, siya pa kaya. O baka nasa pagdadala lang 'yan. O baka wala talaga akong naintindihan sa mga nangyayari.
Sana'y may nagagawa ako sa mga kamunduhang ito.
O, mundo! Bakit minsa'y kay lupit mo?
No comments:
Post a Comment