Isang kalunus-lunos na balita ang natunghayan ko sa aming lumang telebisyon. Sa Japan. Lumindol at nagka-tsunami. Nakakatakot isiping nawasak ang isang parte ng mundo (hindi naman wasak ang buong Japan) na isa sa mga moderno. Naisip ko kung paano na ang mga bansang nasa kategorya na "Ikatlong Daigdig" kung tatamaan din ng ganito katinding sakuna. Tulad ng nangyari sa Haiti. Tsktsktsk
Nakakatakot rin isiping ang "kamatayan" ay biglaang dumarating kung minsan. Walang pakundangan. Mas maganda pa nga yata kasing alam na ng tao kung kailan siya mawawala dahil hindi siya aalis ng bahay sa mismong araw na iyon. Makakapagpaalam siya at dahil alam niya nga kung kailan siya mawawala, may panahon siyang tanggapin ang lahat, lahat-lahat.
Kahapon, nakatayo ako sa labas ng elementary school ko noon (susunduin ko kasi ang nakababatang kapatid ko) habang kumakanta ng Huwag kang matakot ng Eraserheads. Patuloy ang pag-agos ng mga pwedeng isipin. Mula sa isang eksena sa isang nobelang naaalala ko patungo sa mga taong nangunguha ng bata at kinukuha ang isang parte ng katawan nito (internal part). Ano na bang nangyayari sa mundo? Para tuloy itong nagiging Pangalawang Bugso ng Pagkadismaya sa Mundo.
Sa 2012 na ba ang katapusan? Ang alam ko hindi. Sigurado pala ako. Maniwala ka, kahit hindi ako part-time fortune teller man lang (alam kong may qualifications).
"It ain't the end of the world," ika nga ni Jay Sean. Pancit Canton ko nga e, 2013 pa expiry date.
2012 (It ain't the end)
No comments:
Post a Comment