Friday, March 11, 2011

Hanggang sa Wala na Akong Masabi

Magsasalita ako hanggang sa wala na akong masabi, sa isip ko lang. Sa isip ko lang ako magsasalita.

Pagkatapos, paiiralin ko ang Taciturnity. Iisipin ng lahat na wala akong buhay at isusugod nila ako sa pinakamalapit na ospital. Ngunit hindi nila kailanman malalaman na ang nasa isip ko sa pagkakataong iyon ay ang pagiging malupit ng mga Alaala na palutang-lutang at akala mo'y walang tiyak napatutunguhan. Minsan, lumalabas ito sa isip mo at tuluyang mabubura habang ang iba naman ay mananatili, magmamatigas at hanggang sa huling segundo ng buhay ay magpapabagabag nang walang pakundangan.

Mamaya, mag-iimbento ako ng formula na makakasagot sa lahat ng problema na maaaring ibato sa mga taong tumatanggap ng reklamo at syempre, hindi ako iyon. Gusto ko kasi silang tulungan dahil para bang nagiging may kapansanan sila paminsan-minsan at kadalasan, mali ang tugon nila sa mga matanungin.

Magsasalita ako hanggang sa wala na akong masabi, sa isip ko lang. Sa isip ko lang ako magsasalita.

Pagkatapos, paiiralin ko ang Taciturnity.

Taciturnity.

Taciturnity, paulit-ulit ko itong sasabihin. Mga 85 times, sunud-sunod.

Taciturnity...

Hanggang sa antukin ako.

No comments:

Post a Comment