Monday, September 5, 2011

Manifesto ng Tunay na Lalaki

Manifesto ng Tunay na Lalake (ayon sa Hay! Men! Ang blog ng mga tunay na lalake!)


  1. Ang tunay na lalake ay di natutulog.
  2. Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.
  3. Ang tunay na lalake ay laging may extra rice.
  4. Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian.
  5. Ang tunay na lalake ay walang abs.
  6. Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw.
  7. Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
  8. Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.
  9. Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.
  10. Ang tunay na lalake ay di nagsisimba.

7/10 lang ako. Damn! XD

2 comments:

  1. hahaha! ang tunay na lalake na sinasaad ng post na to... mahirap makahanap ng tunay na pagibig!

    Ang tunay na lalake ba may balak mahanp ng tunay na pagibig?

    ReplyDelete
  2. Hahaha! Oo nga 'no? Napansin mo pa 'yon,hehe

    Sa tingin ko naman (hindi na 'to ayon sa Hay! Men!...), sa pagtatapos ng isang araw ng isang "tunay na lalaki",iniisip rin nila ang mga bagay tungkol sa pag-ibig (yung tunay).

    At makakahanap rin sila ng katapat nila!

    ReplyDelete