Wednesday, August 22, 2012

Haiku

Alam mo ba ang haiku?



Ganito...

Ang palaso mo,
tumama sa puso ko...
Tanggalin mo nga

Eto pa,

Ikaw bubuyog,
'wag masyadong makulit
Mag-ingay na lang


Bola ng bowling
hinagis ko... malakas
Napuntang kanal



Alam mo na?
Gagawa ka na rin?
Alam mo ba kung paano gawin?



Pasensya na, tinatamad
kasi akong magpaliwanag kung
ano ba ang haiku at kung paano 'to ginagawa...










Gustong lumipad,
mamingwit ng bituin,
saka umibig

Monday, May 21, 2012

If I could at Ring of Fire

Hindi ko yata kaya eh... But if I could, I would.

"You know that I would, if only I could," sabi ni Jack Johnson
If I could


Eto 'yung semi-ring of fire kanina oh (actually, hindi talaga semi). Sa Tokyo, Japan alam ko ring of fire talaga. Hindi lang basta semi-ring of fire na tulad dito sa Pilipinas. Hindi ko 'to inabutan. Siya nga pala, tinatakpan ng buwan ang araw sa pagkakataong 'to. Nanonood kasi ako ng Umagang Kay Ganda kanina...




Sunday, February 26, 2012

Enya

Enya ,

Para akong lumilipad ngayong hapon...



Ewan ko kung bakit bigla kong naisip na pakinggan si Enya gayong si Judee Sill ang trip na trip kong pakinggan nitong mga nakaraan.
At ayun nga, pinapakinggan ko ngayon si Enya. Para tuloy akong lumilipad, habang naglalaro ng NBA.
Tapos, makulimlim pa. 'Pag umulan, iiyak ako. Oo, seryoso. Kasi nga, para akong lumilipad.


Pero bigla-bigla, parang hindi na uulan. Ang ganda ng hapon.

Sana, alam ko ang mga pinagsasabi ko. Pati ikaw.

Wednesday, January 4, 2012

Monster Rancher



                                                                                               
May nakakaalala pa ba sa cartoons na 'to na pinalabas noon sa channel 7?
Hindi ko noon ma-gets kung bakit ganoon ang ending nitong cartoons na 'to.
Panaginip lang ang lahat? What the... Nice heartbreaking ending.

Pero ngayon alam ko na. O baka hindi pa dahil nanghuhula lang naman ako e. 

Opinions?