Bata pa 'ko noon. Puro laro ang inaatupag (Langit-lupa, tumbang preso,
syato, taguan atbp.) maghapon.
Natutulog 'pag tanghali.
Ang mundo, puno
ng kulay.
Ang buhay, hindi gano'n ka-komplikado. Gusto ko lang gumuhit
at itakda ang kinabukasan.
Noon. Noong 90's.
Ngayong
madaling-araw (0310H), na-miss ko bigla ang pagkabata ko. Noong hindi
pa 'ko mulat sa kamunduhan at sa pakikipaghabulan ay hindi ako maawat.
May mga kaibigan pala ako noon. Hindi ko na sila nakakausap ngayon at
nakikipag-ugnayan na lang ako sa kanila sa pamamagitan ng mga
makahulugang titig. Bakit gano'n? Kung kailan kailangan ko nang matulog
ay mapapaisip pa 'ko ng mga ganitong bagay. Impluwensya 'to ng mga
nabasa ko e at mga nasagap na balita. Ibabalik na daw ang Magandang
Gabi, Bayan (MGB) (show sa Ch.2 noon) na imahe ng Undas noong bata pa
'ko. Tapos, naalala ko ang nabasa kong isang blog entry ni Caroline Castro
tungkol sa 90's. Naalala ko rin ang kwentong nabasa ko tungkol sa
lalaking naaalala ang mga laruan niya noon na hindi na niya nalaman
kung saan napadpad mula nang lumipat sila ng bahay. Tsktsk. Emo tuloy
sa madaling-araw ang labas ko nito. Tapos, gusto kong umiyak, seryoso.
May kung ano kasi sa loob ko na nagsasabing: "Nasayang ang pagkabata
mo."
Pero naisip ko bigla ang sabi ni John Lennon.
"Time you enjoy wasting was not wasted."
Sabi
pa rin ng kung ano sa loob ko: "Kahit ano'ng sabihin mo, hindi mo pa
rin nagawang quality time ang mga panahong iyo. Iyong-iyo. Iyo't iyo.
Hanggang ngayon naman."
Ang sagot ko naman: Who cares?
Sabi niya: "NBA Cares."
Hindi ako papatalo syempre: The best ka talaga!
Nakakalungkot.
Totoo kayang nag-ubos lang ako ng panahon noon?
Kaya ba parang gusto
kong maging bata ulit?
Kaya ba parang hina-hunting ako ng mga drawing
ko noon at para bang gusto nitong ipagpatuloy ko ang pagguhit na ilang
taon ko ring kinalimutan?
Kaya ba ang bilis ng panahon para sa akin
pero naiiwan ako sa nakaraan?
'Pag wala akong nakausap na matino
ngayon, lagot ako. Krisis na 'to.
90's! Heto ang isang batang 90's na naliligaw ng landas.
10-29-11 0350H