Tuesday, April 26, 2011

Gusto ko pala ng magandang Legacy

Napag-isip-isip ko. Kumikilos ako ngayon para sa mga bagay na gusto ko ay maalala ako. Nakakaiyak, nakakatawa pala.



Parang sikat na musician na namatay.

O kaya ay sikat na writer.

O kaya ay legend sa sports.

Isang pilosopo na namimilosopo.

O isang normal na tao na tulad ko lang.


Gusto pa kung anu-ano e, 'no? Pwede rin naman palang normal na tao lang.





Parang ewan lang e, 'no? Pero seryoso ako. Kaya nag-iipon na ako ng mga alaalang maitatanim sa utak ng mga nakakasalamuha ko na maaalala nila sa araw na hindi na nila ako makakadaupang-palad kailanman.



Natatawa ako, naiiyak pala.



Ayos lang na malimutan niyo ako, kaysa naman pangit ang alaalang maiiwan ko sa inyo.






P.S. Hindi pa 'ko mamamatay. Wala akong malubhang sakit. Malubhang kabaliwan lang. Hahahahaha.

Monday, April 25, 2011

All About Your "Faith"

Naniniwala tayong lahat sa kung ano. Siguro naman, magsu-suicide ako 'pag hindi. Biro lang. Baka may hindi naniniwala na nabubuhay sila sa mundo at nag-iisip.



Nitong mga nakaraang araw, bumitaw ako sa isang malaking bagay na pinaniniwalaan ko. Tapos, Holy Week pa talaga nangyari. Wew!

Hindi ko rin naman sigurado kung tama ba ang pagbitaw kong ito. Wala rin namang nakasisiguro, maliban sa nagpakalat ng kalituhang ito. Ewan, hindi ko rin alam, ayaw ko rin sana itong paniwalaan.




At least, hindi na 'ko masyadong nakakulong...kahit ako lang ang nakakaalam nito.



Malaya ako. Malayang-malaya (sa paraang alam ko).





Tawa ka nang tawa. Pero hindi ako nayayamot, dahil ang ganda ng ngiti mo. Pinakamaganda sa mga nakita ko na sa buong buhay ko. Hahaha, wala lang. Bigla lang kita naisip kahit hindi naman kita kausap ngayon. Masisisi mo ba ako?




Basta, malayang-malaya na ako sa pagkakakulong ko sa sarili ko. Mas handa na 'ko sa mga humps sa daan na 'di ko pansin noon at alam ko na kung sino ang dapat kung lapitan sa mga oras ng kagipitan.


Lahat ng ito, tungkol sa paniniwala. Hindi ka naniniwala? Bahala ka, maniwala ka na kasi.


Kinilabutan ako sa isang kwento ng pinsan ko na hindi ko alam kung totoo, pero gusto kong paniwalaan. Nang gilitan daw nila ang leeg ng isang baboy na kakatayin nila at iniwan ito sa pag-aakalang patay na ito, bigla itong tumayo at kumain ng damo. Ba't gagawin ito ng baboy na 'yon na nasa bingit ng kamatayan? Hindi ko alam, sana nalaman ko.






Ano?
Maniniwala ka na ba?
O bibitaw na rin sa tila isang panglilinlang?

Sunday, April 17, 2011

Scarecrow

Kung saan-saan na 'ko napapadpad, ang haba na ng aking nalakad...







Sa mainit na lugar na akala ko malamig, electric fan lang ang aking mahihiling.

I'm in hell 'dre, ikamusta mo na lang ako sa mga kakilala natin d'yan sa mundo natin noon.




Ang sakit ng katawan ko, pa'no ko maipagtatanggol ang mundo (ko)?

Ba't kailangang mag-vibrate ng ulo ko nang literal?

Ba't masyadong malakas ang ngiyaw ng pusang gala na nakaengkwentro ko?

At ba't ko kailangang ipagtanong ang mga tanong na ito?




Hindi ko kasi alam ang sagot. Hindi ako katulad ng iba na nagtatanong pa kahit alam na ang sagot. Hanggang sa maisip ko na ako lang ang may karapatang makaalam ng mga sagot sa mga tanong na ito dahil hindi 'to dapat itinatanong sa iba. Pero alam kong kailangan ko ng tulong para masagot ang mga ito sa pamamagitan ng lahat ng paraan maliban sa pagtatanong.



Ano na ang gagawin ko? (Ay! Hindi nga pala ako magtatanong 'no?) Patawa lang.



Pero kailangan ko nga ng tulong kasi I'm in hell 'dre...


Naging isa akong scarecrow sa palayan sa kung saan. Kaya pala mainit.

Tuesday, April 12, 2011

Labatpersayt

At bigla, naalaala kong umiiral ang "love at first sight". Totoo 'to, dahil maski ako'y 'di nakaligtas sa kamandag nito. Parang nasa Matrix ako noon, nang maramdaman kong nakakapit ito sa akin na parang linta.

Kagabi, napanood kong muli ang The Matrix. Sobra kong nagustuhan at bigla-bigla ay naging isa ito sa mga paborito kong pelikula. Gusto kong tumalon at magpalipat-lipat sa mga bubong tulad mga ginagawa ng mga tao dito (sa pelikulang 'to) at ginagawa ko minsan sa mga panaginip kong tila walang kabuluhan ngunit puno ng kahulugan.


Totoo nga ang "love at first sight". Isang napakahiwagang tagpo nito at laking tuwa ko na naranasan ko 'to.




Anim na taon na ang nakakaraan nang mangyari ito. Isang babaeng naka-PE uniform ang nagwa-warm-up kasama ang kanyang mga kaklase. Jogging, pabilog ang takbo nila at alam ko sa mismong pagkakataon na 'yon, magpapaikut-ikot rin siya sa puso ko. Yun o! XD


At ngayon, biglaan lang rin, napagtanto ko na nasaktan ko siya nang 'di ko nalalaman (sa pagkakataong ginawa ko ang mga 'yon). Ang bobo ko naman, napaka-insensitive ko noon, tsk. Napakatanga ko dahil ngayon ko lang 'to napagtanto. Oo, ngayon lang talaga.


Pero hangad ko ang kaligayahan niya kahit alam kong kinamumuhian niya ako.

Sunday, April 10, 2011

Hindi Iyan ang Bunga

Ewan by Imago-Pakinggan n'yo muna 'to para sa tono ng kanta.


May bata daw na nanunungkit ng bunga sa isang puno habang kumakanta, "Mahal kita, mahal kita, hindi ito bola..."

Biglang kumanta rin ang kapre sa puno ng, "Itlog ko 'yan, itlog ko 'yan, hindi 'yan ang bunga..."

Nabasa ko lang 'to sa text. Hahaha.

Maiba tayo ng usapan.


Tama si Holden Caulfield na alaga ni Salinger sa isa niyang sinabi tungkol sa mga babae.

"...That's the thing about girls. Every time they do something pretty, you fall half in love with them and then, you never know where the hell you are until it's too late."

Madali nga lang mahulog sa isang babae (para sa akin) kahit ba hindi ito masyadong malalim (ang pagkahulog). Tulad rin ng nangyayari sa akin ngayon at noon pa. Para bang ang daling mahalin ng mga babaeng nakakasalamuha at natitipuhan ko, kahit ba hindi ko sila lubusang kilala o kung minsan nga'y hindi ko sila kilala talaga kahit sa pangalan man lang.

Tulad ng nangyari isang beses. May nakatabi akong isang napakagandang babaeng high school student sa bus. Sa sobrang paghanga ko sa kanya, napagawa tuloy ako ng tula para sa kanya sa mismong pagkakataon na 'yon. Ang problema nga lang, hindi ko nabigay sa kanya sa pagbaba niya. Pero half in love na 'ko sa babaeng 'yon (parang full pa nga e). Actually, pangalawang kita ko na sa kanya 'yon. Noong una ko siyang nakasabay sa bus, hindi ko siya nakatabi dahil may lalaking nakapagitan sa amin (hindi naman niya kasama). Tapos 'yong lalaking 'yon ay parang sinisiksik 'yong babae sa puntong akala ko ay nahihirapan na itong umupo. Halos komprontahin ko na ang walang respetong lalaking 'yon dahil akala ko'y malalaglag na 'yong babae. Nang bumaba na siya ('yong babae), nakita kong hindi naman pala bitin para sa kanya 'yong space (slim, wow!). Buti hindi ako nangompronta. Hahaha.

Ayun, tama si Holden na alaga ni Salinger. Akala ko, ako lang ang may ganitong kabaliwan.


Gusto ko na rin tuloy maging catcher in the rye.

Catch her in the rye...

Wednesday, April 6, 2011

Isang hatinggabi, hindi ko maipikit ang aking mga mata.

Alumni Homecoming, paulit-ulit, hanggang sa maalaala't maaninag ko ang hinahaharap. At kung nasa hinaharap na ako sa isang iglap, alam kong magbabalik-tanaw rin ako sa mga panahong tulad nito.


"Mahal pa rin kita, kahit ang sakit-sakit na," sabi ni John Lloyd kung 'di ako nagkakamali. Ginaya ko rin ang sinabi niya, pero ang pinagkaiba, sarili ko lang ang pinagsasabihan ko.

"Mahal pa rin kita, kahit ang sakit-sakit na," tatlong ulit ko sinabi, sa sarili ko pa rin dahil 'di niya dapat marinig. Ayos na e, sisirain ko pa. Ngumingiti na sa akin e, mawawala pa. Kaysa wala.


Ngunit sa tuwing mabubungkal ang ibinabaon kong alaala, hindi ko maiwasang mag-play sa isip ko ang OST ng kwento ko (hindi naman Alumni Homecoming), magpakasenti at mag-isip na isa akong dakilang hangal o baliw.

Ayos a, emo na 4x5 gupit.

Pero wala nang mas hahalaga pa kaysa sa kaligayahan niya, kahit kaligayahan ko pa (martir ang loko).Ganito ang pag-ibig na ipinatanaw sa akin. Pakiramdam ko kasi, hindi ko kayang gampanan o hindi ako karapat-dapat na maging bidang lalaki sa isang romantic film, sa ngayon. Ako lagi 'yong magpaparaya. Aba, napakahalagang role no'n. Sa tingin ko nga ay sila dapat ang makakuha ng mga best actor awards dahil mahirap ang magparaya.


Mahirap magparaya, lalo na kung gusto mong mandaya. Naiintindihan n'yo naman siguro ang nais kong sabihin.



At patuloy ang pagtunog ng Playlist 77...